Langhap Sarap

Posted: Pebrero 9, 2011 in Kwentong Disyerto
Mga kataga, ,

Sa wakas bukas na ang paborito kong fast food chain sa Pilipinas.

Ipinakikilala ko sa inyo ang Jollibee (Al-Batha, Riyadh)!

 

Matitikman ko na rin ang C3.

Kitakits sa mc…Jollibee. 

Personal:

Salamat po sa mga parating nadaan sa blog ko. Medyo marami po akong inaasikaso. Be blessed po!

Advertisements

Araw ni Pong

Posted: Enero 5, 2011 in Personal
Mga kataga, ,

Ako si Joseph, Seph, Sephi, Pongkie, Pongskie, Sir Q, Pong (bigay na palayaw ng aking tito), kaarawan ko ngayon at ako muna ang bida ;P

  

   

At lalo pa akong naging bida =)))

Pamilya Saranggola Blog Awards sa Pangunguna ni Teacher Bernard Umali

 

Kasama sina Ginoong Goyo, Jason, Joel at Binibining Kat.  

 

Hindi din nagpahuli sina Sir Arvin at Mam Roanne.

 

Andun din sina Sir Anton, Teacher Bons at Teacher Zyra.

 

Maging si Nurse Marvin at mga hurado. 

Maraming salamat sa SBA at kina Sir Arvin, Anton, Bernard at Teacher Zyra sa mga larawan.

At maging dito ay bida din pala ako, may lobo pa =))))

Pero mas bida ako sa mga sumusunod:

 

Mula kina Pareng Busyok/Eli at Ate Leah

 

Sina Hoshi at Sir Jag na may Tripod at singer.

 

Sa napakasweet na si Mam Yannah at G. JKulisap.

 

Kay Sir Roland na nag-effort sa pagPS ng picgreet.

 

Mula kina Kat at Jec at Sir Marvs na kilabotz na Nurse.

 

Salamat sa food Tito Arns at Heartthrob na blogger na nurse, Sir Jerick

 

From Pretty Teacher Len at sa nagbigay ng PONGKERS na si Kuya Vaj.

Waling Nhix ng Pangasinan at Waling Kaye Dee na Fan Sign Queen.

 

From a Pastor Friend, Israel at Sir Drake na gwaping at mabait.

 

Mula sa mga Cabalen Lian at Pampanga Capitol – Engineering Department.

 

Sa aking prayer partner 1 na si Ate Liz at ang poging si Kuya Davin.

 

Si Ate Anne na mahal ako na Poi ang tawag sa akin at kay Mami Kaye na inarkila pa si Chris Tiu.

 

Ang aking Waling Lee Mi at Bro Jason.

 

Mula kay Diwatang Waling Anini at ang Mr. Pogi ng Canada na si Kuya Tops.

 

Galing kay Astig na si Ate Arny at Ms. Lalaine Cabrera.

 

Nakisama pa ang aking kapit-disyerto na si Ate Joyo at binigyan niya pa ako ng Bente. Napahabol pa ng cheese cake si Sir JC.

Mula kay Boss Lio ang walang kwentang tagakwenta ng sambablog na madaming sense.

Ako si Pong at nagpapasalamat ng lubos sa lahat ng mga bumati (mga kaibigan, naging estudyante, kasamahan sa trabaho, kapwa guro, kamag-anak, bloggers, kaklase) sa text, fb, fs at blog. Maraming salamat sa pagsama at pagtambay niyo dito ay nakatagpo ako ng isang pamilya.

Sampu ng aking pamilya, maraming maraming salamat at papuri sa Diyos sa buhay na kaniyang ipinagkaloob sa bawat isa.

Be blessed.

Jesus: Araw Ni Tatay II (Repost)

Posted: Disyembre 25, 2010 in Personal
Mga kataga,

Imposibleng mabasa ni Jesus ito. Malimit kaming magkwentuhan ni Jesus noon ngunit hindi sa halos siyam na taon.

Nang iwanan kami ni Jesus ay bumabagyo. Buwan ng Hulyo iyon at kasagsagan ng mga bagyong pumapasok sa Pilipinas. Linggo, araw ng pananambahan. Pagkatapos kong ikabisa ang Periodic Table of Elements bilang paghahanda sa pagsusulit namin kinabukasan para sa Inorganic Chemistry ay tumuloy ako sa silid ni Jesus. Isinara ko ang pintuan para hindi siya magambala sa kanyang pagpapahinga. Siya namang sabay na pagpasok ni Nanay at ni Kuya sa silid para magpaalam dahil paluwas si Kuya sa Maynila. Isang sigaw ang lumukob sa buong bahay mula sa garalgal na tinig ni Nanay. Dali-dali naming isinugod ni Kuya si Jesus sa pinakamalapit na pagamutan. ‘Yon na ang huling tagpo na nakasama namin si  Jesus na may init na dumadaloy sa kanyang katawan. Ang mga sumunod na tagpo ay mga maliliwanag na ilaw, paroo’t-parito na mga kaibigan, kamag-anak at kapit-bahay.

Madaming sana ang dumaan din sa buhay ko at ng aking pamilya sa pagkawala ni Jesus.

  1. Nagmartsa sana si Jesus kasama ni Nanay noong graduation.
  2. Nagsabit sana ng mga medalya si Jesus bilang saksi sa hirap at pagod sa aking pag-aaral.
  3. Natalo sana ni Pong si Jesus sa chess kahit minsan lang.
  4. Kasama sana si Jesus sa paghahatid sa akin sa dambana para sa aking magiging asawa sa susunod na tatlong taon.

My father left us when I was in first year college. Like any other father he was never a perfect father to us. He left us with pains and hardships. He had another three families. We have other siblings. My father played important role on my twenty-six years of existence and beyond. In spite of his imperfections he has loved us the best way a father knows.

I (my family) have no father right now but I/we have a heavenly Father and that defines it all.

Isang Mapagpalang Araw Ng Mga Haligi ng Tahanan sa lahat ng mga Tatay, umaako sa papel ng isang Tatay at sa mga magiging Tatay!

Try to imagine celebrating the first Christmas without a father whose birth date is Christmas Day.

Nawala man si Jesus ay may isang JESUS namang hindi mawawala magpakailanman sa buhay namin.

Jesus De Leon Quiambao
December 25, 1954
July 21, 2002
Originally posted on Father’s Day and reposted on July 21, 2010.

Lambda (λ) Ang Kanyang Tatak

Posted: Disyembre 19, 2010 in Personal
Mga kataga, ,

Isang Batikang Blogger (kuripot?) ang mamimigay ng libro kaya naman sasali ako sa kanyang pakontes. Siyempre pa napakadali kasi ng kanyang tanong dahil ang totoo nasagutan ko na ito. Kaya instant screen shot ang nangyari at may instant entry na rin ako.

Ang Tanong:

“Bakit Ako Nagbabasa ng Kung Anu-anong Shit sa Datkom ni Lio?”

Ang Sagot:

Sana naman manalo na ako sa pagkakataong ito. Pero ayos lang kung hindi kasi matagal na palang naghihintay ang C3 ko!

Maligayang Pasko Boss Lio!


Rumaragasang pagpapala ang aking naranasan
Di ako magtataka kung ba’t sa akin napupunta
Mula Hilaga, Kanluran, Timog, Silangan
Saan man magpunta
Rumaragasang pagpapala ay aking nakamtan na

 

Totoo ang kantang Rumaragasang Pagpapala sa buhay ng bawat isa, lalo na sa mga taong nagbabahagi ng kanilang pagpapala sa iba. Napakabuti ng Diyos sapagkat tunay ngang wala siyang katulad at kanyang tinugon ang dalangin ng Servolution Team – Pangasinan para sa kanilang Blessing the Children of Garbage Collectors.

Naalala ko parati ang turo ng aking guro sa misyon na, freely we receive, freely we give. Nakakatuwang isipin na ang mga taong nasa likod ng programang ito ay bukas lagi ang kanilang mga palad sa pagtulong at gumawa ng radical change. Sabi nga ng isang sikat na mangangaral, if we want to attract God, start a radical move.

At ang lubos na nakakamangha ay ang kabutihan ng Diyos sa mga taong nag-abot ng kanilang mga tulong na hindi na nagpapabanggit ng pangalan. Sila ang mga taong naniniwala na kung ano ang alam ng kanang kamay ay hindi na kailangan pang malaman ng kaliwang kamay.

Kapag ang Panginoon ang nagpaulan ng pagpapala paniguradong mauubusan tayo ng paglalagyan dahil ito ay rumaragasa mula  Hilaga, Silangan, Timog at Kanluran.

Isang mapagpalang Pasko po sa bawat isa at maraming salamat sa lahat ng mga tumulong para sa dakilang adhikain ng Diyos na magbahagi ng pagmamahal in and out of season.

***  To GOD be all the Glory ***

Personal:

I would like to thank PEBA, Inc. (Pinoy Expats/OFW Blog Awards) 2010 for making history in honoring the OFW’s workmanship through their blog and photo entries. The representation of OFWs thru PEBA is a great advocacy knowing that we Filipinos, both in and out of the country are world class! Salute to all OFWs, PEBA Team and the Filipino People who shared the vision of a better Philippines! (FB Status)

Salamat Waling Lee Mi at sa lahat ng sumuporta sa Perfect Picture.



Christmas 2009

Posted: Disyembre 11, 2010 in Kwentong Disyerto

Ito na ang ikalawang Pasko ko sa disyerto. Noong nakaraang taon ay may salu-salo ng mga kapatiran na aming hinahayagan ng Mabuting Balita. Nagkaroon din ng malaking salu-salo sa bahay-panambahan isang linggo pagkatapos ng Pasko.

Ang totoo, hindi ko alam kung paano ito maitatawid ng hindi nangungulila sa Paskong Pinoy ngayong taon. Akala ko sapat na ang nakaraang Pasko para makabisa ang ganitong pakiramdam: pangungulila at pananabik sa pamilya. Hindi pala. Hindi pala kayang tumbasan ng teknolohiya o ilang libong riyals ang ganitong pakiramdam.

 

 

Daytime Arrival

Posted: Disyembre 4, 2010 in Personal
Mga kataga, , , ,

It’s been two years the last time we saw each other. I haven’t received any single text message or e-mail from you for the last 680 days. But am glad the day is very near for us to see each other again.

Let us agree with the meeting place, the place where we used to do our youth activity and Wednesday worship. My memory resurrects the times when you used to lead us in singing “How Great Is Our God” by Chris Tomlin followed by simultaneous prayer of declarations at the Central Pyramid of the said place. I missed those times. I am also very eager to be there, ahead of time if possible, hoping also to meet the rest of the youth by then.

I’ll let mama and kuya know when everything is set so that they can arrange the transportation. By the way, have you met Dada? I believe your house is near his.

Promise. I promise. I’ll try to request for a flight booking at daytime so that I can visit you both. Hopefully, I will not fail this time; to come home and see you.

(Holy Mary Memorial Park, Angeles City 2008)

( Angeles City 2009)

See you at Holy Mary Memorial Park, Angeles City come April 2011 or earlier.