Salin mula sa bernakular Kapampangan.
Magandang umaga teh, kakatapos ko lamang mag almusal, kumusta si mama, mga kapatid at pamangkin? Natanggap niyo na ba ang ipinadala ko? Mag-ingat kayo diyan, parati kayong manalagin at God bless.
Ayos naman kaming lahat dito. Hindi pa namin natatatnggap ang perang ipinadala mo. Mag-ingat ka din diyan parati.
Ganun ba. baka na-delay lang. Hintayin niyo lang. Nagsimba ba sina mama? Ingat parati diyan, manalangin kayong parati at God bless.
Oo nagsimba sila. Sasabihin ko na lamang. Ingat ka din diyan parati.
Natanggap na namin ang ipinadala mo. Kadarating lang.
Walang masyadong natirang pera si mama sa ipindala mo.
Pwede bang uminom ng tsaa (tea) si mama? Ibibili ko siya dito mas mura kasi. Ipapakisuyo ko nalamang sa pag-uwi ni Sir Philip. Magkita na lamang sila ni kuya. Ingat parati diyan, manalangin kayong parati at God bless.
Pwede ba sa tsaa si mama? Hindi ba bawal sa kanya? Ibibilo ko siya dito, makikisuyo ako kay Sir Philip pauwi siya sa Mayo 23 magkita na lamang sila ni kuya sa Malolos.Ingat parati diyan, manalangin kayong parati at God bless.
H’wag kang masyadong mag-abala, mamili o gumastos, saka na.
Alam ko naman na simula nagpunta ako dito ay hindi ganoon kalakihan ang naibibigay ko sa aking pamilya sa Pilipinas. Sapat lamang, tama at alam kong hindi sila nagugutom. Subok na namin ang Diyos. Tapat at sapat siya sa aming mga buhay. Hindi siya nang-iiwan at hindi niya kami pinapabayaan.
Ang ministeryong pinili at inibig ko ay alam din naman nila. Sa katotohanan ito ang aming (buong pamilya) buhay sa Pilipinas. Maglingkod sa Diyos at tao. Alam din nila kung gaano ko kamahal ito. Katunayan nga ay nagbitiw ako sa pagtuturo para magsanay sa isang Mission Course kasama ng mga kabataan. “House-church” ang tawag namin. Kung hindi nila kayang pumunta sa simbahan, kami ang pumupunta. “Outreach Program” nagpakain sa mga bata at maging sa mga matatanda. Sa tuwing sasapit ang araw ng Pasko ay inaawitan ng mga kabataang kasama ko ang mga bahay-bahay at magbibigay ng “food basket” sa mga magbubukas ng kanilang tahanan.
Dito ko lubos naa-appreciate ang mga mamalakaya noong naunang mga panahon. Naglalakad (madalas) lamang sila sa mga bayan, mga disyerto at karatig lugar para maghayag ng Mabuting Balita. Samantalang ako komportableng nakaupo sa coaster sa tuwing maghahayo. Dito din ako natutong makipagkapwa-tao: iba’t-ibang klase ng tao. Dito hindi ako “sir” at hindi ako ang “boss” kagaya sa isang klase. Dito din ako nasanay sa pagbibigay ng mensahe. The school of four corners is very different from school of sorrows. I’m learning to love the latter.
Sa kagustuhan kong maibigay lahat ng mga pangangailangan ng aking pamilya ay patuloy akong ibinabalik ng aking mga panyapak sa mahal kong ginagawa, ang maglingkod sa Diyos. Sapagkat alam kong ang lahat ng mga pagpapagal ko at ng aking pamilya ay hindi masasayang. Hindi man sa aming kapakinabangan kundi sa mga taong aming nahahayagan at pinagmamalasakitan.
Ngayon ay araw na naman ng Lunes. Kasama ko na naman ulit ang aking partner sa gawain. Muli kaming bababa sa stop light at pupunta sa hyper-market.
Ibili mo daw si mama ng sugar na pangdiabetic at kung mura ang kape diyan. Mag-ingat ka diyan. maraming salamat. Miss ka na namin. Mahal na mahal ka namin. Yung para sa mga pamangkin mo. God Bless.
Kaakibat ng paglilingkod sa Diyos ang pagsuko ng buong-buo.
Sige ibibili ko si mama at ako ng bahala. Mag-ingat kayo parati diyan, manalangin kayong lagi. Miss ko na kayong lahat at mahal na mahal ko kayo. God bless.
Sa mga pagkakataong ganito iisa lamang ang aking ginagawa, “I get on my knees.”
I would like to learn obedience through suffering and I will not offer anything to the Lord that cost me nothing.
(Hindi po ako perpektong tao, may mga kahinaan at ibinababa sa Diyos.)