Huling Taglamig

Posted: October 13, 2010 in Kwentong Disyerto
Tags: ,

“Nasaan na ba yun?” sambit ni Martin sa kanyang ka-kwarto.

“Dito ko lang nilagay yun e.” sunod pa niyang winika.

“Kung ang hinahanap mo ay ang petroleum jelly andiyan lang sa tabi ng libro.” tugon naman ni Arlo.

Magkababata sina Martin at Arlo. Alam ang likaw ng bituka ng bawat isa, maging ang posisyon ng bawat isa sa pagtulog ay kabisado nila.

“Mauna na akong aakyat sa bus at para mai-reserba kita ng upuan.” bulalas ni Arlo.

Dinala lang ng hangin ang winika ni Arlo dahil walang tugon na narinig mula kay Martin. Patuloy lang ang pagpahid niya ng petroleum jelly sa kanyang mga labi. Marahang pahid ang ginagawa niya habang tutok na tutok sa salamin at pinagmamasdan ang repleksyong nasa harapan nito.

“Hindi ka pa ba napapagod ah Martin?”

“Hanggang kailan ka pa ba magpapaalipin?”

“Bakit hindi ka na lang umuwi sa Pilipinas at magturong muli?”

“Nasaan na ang sinumpaan mong tutulong ka sa paghubog ng malayang isipan ng kabataang Pilipino?” bulalas ni Martin sa taong nasa salamin.

Bitbit ang baunan ay tinungo ni Martin ang kinalalagyan ng bus. Pagpasok niya ay siya namanng sabay na pagkaway ng kababata niyang si Arlo at dagli niya itong tinungo at umupo sa nireserbang upuan. Maingay at walang patid ang kwentuhan ng bawat isa. Banaag ni Martin ang aliwalas ng mga mukha ng mga kasamahan dahil siguro Miyerkules, huling araw ng trabaho at tapos na naman ang isang linggong pakikipagbuno.

“Nangingintab na naman ang mga labi mo parekoy!” usisa ng katabi.

“Baka may katagpong nars mamaya sa cafeteria mamaya.” dugtong pa ng isa.

Ngiti lang ang isinukli ni Martin.

“Martin, malapit na tayong bumalik sa Pilipinas anong plano mo? Babalik ka pa ba sa pagtuturo?” sunod pa ni Arlo.

Sa loob ng anim na buwang nalalabi ng kontrata nila ay iyon ang tanong ng kanyang kababata pero sa pag-usad ng tatlong buwan ay wala pa ding nakukuhang sagot si Arlo sa kanyang tanong mula sa kaibigan. Binaluktot na ni Martin ang kanyang mga tuhod upang maisandal niya ang kanyang ulo sa likuaran ng upuan. Senyales na siya ay matutulog habang binabaybay nila ang daan patungo sa ospital na kanilang pinapasukan.

Sa bawat dampi ng hangin na nagmumula sa bukas na bintana ng bus mula sa kinauupuan ni Martin ay sinasayaw nito ang kanyang buhok. Hanging madalas niyang kabulungan ng kanyang saloobin.

Dama ni Martin ang nalalapit na paglamig ng klima.

“Palagay mo tapos na ba ang misyon ko dito.” bulong niya sa hangin. Malakas na dampi ang isinukli ng hangin.

“Kung ikaw ba ang nasa kalagayan ko susubok ka pa ba?”

“Ikaw kailan mo nalalaman kung anong direksyon ka iihip at gaano kalakas?” dalawang magkasunod na usisa pa ni Martin.

Isang banayad na dampi ang isinukli ng hangin na parang nagsabing lahat may oras at panahon at di dapat magmadali.

Dugtong na pakiusap pa ni Martin, “Isang tanong na lang, palagay mo ba kung susubok akong muli na mangibang bayan aayon na ang tadhana sa akin?”

Katulad ng tanong ni Arlo na di sinagot ni Martin kung babalik pa siya sa pagtuturo pagkatapos ng kanyang misyon ay mistulang ganun din ang sinagot ng hangin kay Martin.

Idinuyan na ng hangin si Martin hanggang sa pagkaidlip.

“Gising na!” sabay alog na turing ni Arlo kay Martin.

“Andito na tayo, kita tayo mamaya sa cafeteria.” pasigaw na sabi ng kanyang kababata habang nauna na itong bumaba sa bus at hindi na hinintay pa ang tugon ng kaibigan.

Nagamadali si Martin na makarating ang ikalawang palapag ng departamentong kanyang kinabibilangan.

“Huling araw na pala ng trabaho sa linggong ito.” bulong niya sa kanyang sarili.

Pagtapat niya sa pintuan ng kanyang opisina ay daglian niya itong binuksan. Hinarap niya ang mga dokumentong pinarerepaso ng kanyang amo dahil kailangang ihabol ang mga ito sa lingguhang pagpupulong. Humigit dalawang oras ang kanyang ginugol para sa mga dokumento at naipasa naman niya ito sa takdang oras.

Ilang minuto pagkapasa niya ng mga dokumento ay nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang amo sa telepono.

Amo: “Martin, pumunta ka sa opisina ko ngayon din.”

Martin: “Opo sir.”

Sa pagpasok ni Martin sa opisina ng kanyang amo ay sabay sambit ng kanyang amo, “Pakisara mo ang pintuan.” Agad namang tumalima si Martin.

“Ano po ‘yon sir?” tanong ni Martin.

Tugon ng kanyang amo, “Tatlong buwan na lang pala ang ilalagi mo dito, anong plano mo? Babalik ka pa ba?”

Isang matipid na ngiti ang tugon ni Martin sabay sambit, “Balita ko po magbabakasyon kayo sir. Saan po?”

Nagpatuloy ang kanilang usapan at sa tuwing uusisain siya ng kanyang amo kung ano ang plano niya sa pagtatapos ng kanyang kontrata ay iniiba ni Martin ang usapan.

“Sige po sir, ilalagay ko po lahat sa iisang file ang mga dokumentong ginawa ko sa loob ng dalawang taon para kung sakaling hanapin niyo ang mga ito ay madali niyong makikita.” habilin ni Martin na parang huling araw na lang niya sa trabaho.

“Oras na pala ng tanghalian Martin, napahaba ang kwentuhan natin, kumain ka na.” sabi ng kanyang amo.

Habang papunta si Martin sa cafeteria ay naglalaro sa kanyang isipan ang pagbabalik niya sa Pilipinas at kung babalik pa ito sa pagtuturo. Sa cafeteria ay nadatnan niya ang kanyang kababatang kanina pa’y naghihintay sa kanya.

“Kain na tayo.” sabay lapit sa kaibigan.

Umusal sila ng panalangin bago tuluyang kumain.

Bago sila naghiwalay sa cafeteria ay inusisang muli ni Arlo si Martin kung ano ang plano niya sa kanyang pag-uwi.

“Palagay ko di ka na babalik sa pagtuturo.” pangungulit ni Arlo.

“Bakit mo naman nasabi?” tanong ni Martin.

“Ayos naman kahit papaano ang sahod mo, lahat ng gusto mo ay nabibili mo kaya palagay ko babalik ka pa rin dito.” pangangalawa pa ni Arlo.

“Hindi ko pa alam, itatanong ko pa sa hangin.” sambit ni Martin.

“Kita tayo sa bus.” halos sabay nilang sabi sa bawat isa sabay ngiti.

“Mam, heto na po ang aking sulat pamamaalam sa paaralang ito.” wika ni Martin sa kanyang punong-guro.

“Sir M, naiintindihan ko na madami kang pinagdadaanan, pero sana’y tapusin mo na lang ang taong ito.” pakiusap ni Mam Bell.

“Buo na po ang desisyon ko mam, sa sangang-daang kinalalagyan ko po ngayon, balang araw ikakarangal niyo din po ako.” pahimakas ni Martin.

Hindi na muling nakita pa si Sir M sa paaralang iyon.

Natapos ang araw ni Martin sa opisina at masaya siyang nagpaalam sa kanyang mga kasamahan sa departamento.

“Happy Weekend!” bati niya habang papalayo sa opisina. Pag-akyat niya sa bus ay kaagad siyang umupo sa tabi ni Arlo at sabay tapik.

“Kumusta ang trabaho?” tanong ni Martin sa kaibigan.

“Mabuti naman.” sagot ni Arlo.

Ilang saglit lang ay umandar na ang bus.

“Tatlumpu’t lima na lang ang init. Halos normal na init na lang pala.” sambit ni Martin sa kaibigan sabay turo sa termometro sa daan.

“Oo nga patapos na kasi ang tag-init.” balik naman ni Arlo.

Sabado na naman at unang araw ng trabaho.

“Yung petroleum jelly nasa aparador.” pangunguna ni Arlo.

“Mauuna na ako sa bus.” pasigaw niyang sabi sabay sarado sa pintuan.

Habang kaharap ni Martin ang sarili sa salamin at pinapahid ang petroleum jelly sa kanyang mga labi ay nangusap ang nasa loob ng salamin.

“Pagod ka na Martin.”

“Tapusin mo na ang pagpapaalipin.”

“Magturo kang muli.”

“Tuparin mo ang simumpaan mong tungkulin na hubugin ang mga kabataan sa Pilipinas.” sunud-sunod na sabi ng nasa salamin.

Tuloy pa rin sa pagpahid ng petroleum jelly si Martin wari’y walang narinig.

Pagpasok sa loob ng bus ay tinungo na niya ang upuan. Walang nagtanong ni-isa sa kanyang mga nangingintab na labi. Wala na din ang maaliwalas na mukha ng mga kasamahan, marahil dahil Sabado at unang pasok sa trabaho kaya tinatamad lahat magsalita.

Pumosisyon na si Martin sa kanyang pagtulog sa bus.

Nangahas muling magtanong si Arlo sabay sabing, “Bilang na lang ang araw natin dito babalik ka pa ba sa pagtuturo?”

Kagaya ng dati walang balik-tugon na namutawi sa labi ni Martin sa naturingan ng kaibigan.

Dumampi muli ang hanging may dalang ginhawa habang papalayo ang bus.

“Nasa tamang direksyon ka Martin, sundin mo lang ang nasa puso mo.” utos ng hangin.

“Parang ako, walang makapagsasabi kung kailan ako iihip sa silangan o kanluran, pero ramdam nila ang presensya ko.” bulong pa ng hangin.

Ngiti ang tugon ni Martin.

“Arlo!” gising nito sa kaibigan.

Gulat namang gumising ang kababata.

“Ito na ang aking huling tag-lamig!” sabay pikit sa kanyang mga mata upang damhin ang huling init ng tag-araw at salubungin ang kanyang huling unang bugso ng taglamig sa disyerto.

***

Ito po ay pakikibahagi sa Saranggola Blog Awards: Maikling Kwentong Blog

Comments
  1. -=cuteberl=- says:

    related sayo ata kuya pong ang kwento… hehehe. disyerto. uuwi na.. hehehe. magtuturo? sa church malamang.. hehehe… gandang istorya pero nabitin ako…

  2. -=cuteberl=- says:

    ay nwala ang base ko at komento ko….

  3. aninipot says:

    hmmmm, malapit na kuya, makakauwi narin si martin.

    at alam ko, babalik sya sa pagtuturo.
    :)

  4. -=cuteberl=- says:

    kainis ako ang base bakit nawala.. heheeh.. ganda ng istorya kuya. sakto sayo. disyerto. malapit ng bumalik sa pinas. magtuturo? sa church niyo pagbalik.. hehehe.. ako ang base… nagkomento pa ako tapos nawala.. hayss…

  5. -=cuteberl=- says:

    kainis ako ang base bakit nawala.. heheeh.. ganda ng istorya kuya. sakto sayo. disyerto. malapit ng bumalik sa pinas. magtuturo? sa church niyo pagbalik.. hehehe..

  6. -=cuteberl=- says:

    ako ang base bakit nawala.. heheeh.. ganda ng istorya kuya. sakto sayo. disyerto. malapit ng bumalik sa pinas. magtuturo? sa church niyo pagbalik.. hehehe..

  7. -=cuteberl=- says:

    ako ang base bakit nawala.. heheeh.. ganda ng istorya kuya. sakto sayo. disyerto. malapit ng bumalik sa pinas. magtuturo? sa church niyo pagbalik.. hehehe.. di pa ako mapagiwan ng komento…..

  8. WP says:

    Pong bakit Petroleum Jelly ang nilalagay nila Martin at Arlo sa lips nila pag winter? Dapat Chapstick Lip Balm, mas epektib. Ano ba ang tingin nila sa labi nila pwet ng baby? O siya balik pangengealam na naman ako ahihihi.

  9. Diamond R says:

    saktong sakto ang mga panahon, at ramdam na ramdam ko ang pag dampi ng hangin taglamig habang nasa bus. ganyan dito sa disyerto.
    galing ng pagkawento.

  10. Sphere says:

    Petroleum Jelly? pang paa yon bago magmedyas diba ska bago matulog… bakit sa lips? saka ang malalaki na sila nagpepetroleum jelly pa din? ano sila puwet ng baby? shaks!
    :-)

  11. J. Kulisap says:

    Hi Martin. Uwi na.

    Good luck sa entry ninyo sa SBA.

  12. myfilthyroom says:

    isang malaking padlock, este good luck sayo sir/bossing. you can do it, go for gold.

  13. lio loco says:

    mukang may pinaghuhugutan, pareng pong. hindi kaya si pong at martin eh iisang nilalang lamang? hihi!

    kay tagal mo nang nawala, babalik ka rin…babalik ka rin… – gary v.

  14. toni says:

    dito maraming nagamit ng petroleum jelly na nasa tube, mejo malabnaw timpla at epektib lalo bumabagsak ang temperatura ng -30 pababa.
    pag mga estudyante lip balm gusto kasi bukod sa mga kulay me sari saring pleybor pa.

    kapatid baka lip balm lang kelangan mo tsaka mabango pa un.

    • Pong says:

      yey oo nga epektib ang petroleum jelly
      yung iba naman din may lip balm ako may ganun ako
      sina martin yata petroleum gamit nila hihihi

      be blessed po ate toni ko namiss po kita

  15. @ Pong..!
    nagustuhan ko ang kuwento..!
    ito ba ay…
    mula sa…
    tunay na karanasan..? :)

  16. taga-bundok says:

    WINTER NA PONGPONG SA DISYERTO!

    Lumalalamig na ang simoy ng hangin dito sa Kuwait. Isang matinding sandstorm na lang ang inaantay, tulad nga ng nabanggit mo dati.

    Teka, Miyerkules ang huling araw ng pasok (ng mga mangagawa). Samantalang dito Huwebes at Biyernes ang pinakamadaming tao dahil weekends.

    Yung petroleum jelly ay pampakintab at… pampadulas. LOL Sa disyerto karamihan laging may bitbit na ganyan. Proteksyon na rin (daw). Saan? Ewan ko. ^^

    Bat alam nila yung mga pwesto sa pagtulog ng isa’t-isa? Magkasama ba sila sa flat? Magkatabi matulog? O halinhinan silang nagbabantay sa tulog? LOL. Biro lang.

    Wala akong matinong comment. Sorry naman. Hahabol ako ng entries para sa SBA. ^^

    • Pong says:

      boss dahn popong pogi
      oo nga winter na dito at ang sarap ng pakiramdam, i mean ang pagpasok ng winter kasi di na masyadong mainit
      pasko na yey!
      tama kuya dahn may laging bitbit na petroleum jelly di ba? yey may kakampi sina martin.
      nagsasalitan kasi sila sa pagtulog kaya alam nila ang posisyon ng bawat isa.

      be blessed po taga-bundok!

  17. petroleum jelly? brokeback time na ba ito para kina martin? pampadulas yan ah at gamot sa namaltos at napaso.

    murit!

    • Pong says:

      wala naman yatang brokeback mountain na nangyari sir super balentong kina martin,
      hihihihi andami pa lang purpose ng petroleum jelly.

      yey
      be blessed po sir!

  18. Mineas says:

    “Then a great and powerful wind tore the mountains apart and shattered the rocks before the LORD, but the LORD was not in the wind. After the wind there was an earthquake, but the LORD was not in the earthquake. After the earthquake came a fire, but the LORD was not in the fire. And after the fire came a gentle whisper. When Elijah heard it, he pulled his cloak over his face and went out and stood at the mouth of the cave.”

    napaka weird na wala sa mga mighty things na iyon ang hinahanap natin.,.. kundi nasa isang bulong lang pala…

    Then a voice said to him, “What are you doing here, Elijah?” -1 Kings 19:11-13

    –ouch… what are you doing here daw oh?…

    -Animse

    • Pong says:

      salamat sa mensaheng ipinadala ni Animse kaibigang Mineas.
      Yeah, ano daw ginagawa ko dito?
      malapit na po akong umuwi pakisabi sa kanya.

      God bless!

  19. Tsiremo says:

    Goodluck!!! See you guys soon :)

  20. Nortehanon says:

    Parang ramdam ko ang lalim ng pinaghuhugutan ng kwentong ito. Masarap magsulat kung ang Musa ng iyong panulat ay nakatira mismo sa puso ;)

    Good luck sa contest na ito, Pong! God bless!

  21. duking says:

    “Kita tayo sa bus.” halos sabay nilang sabi sa bawat isa sabay ngiti.

    Happy Weekend!” bati niya habang papalayo sa opisina. Pag-akyat niya sa bus ay kaagad siyang umupo sa tabi ni Arlo at sabay tapik.

    “Yung petroleum jelly nasa aparador.” pangunguna ni Arlo.

    pag ganito pala kaikli ang maikling kwento,iisipin mong may broke back mountain na eksenang magaganap.

    joke lang. babalik ka pa ba sa pagtuturo?

  22. beeftapa says:

    Pong, pag-uwi mo ng Pinas, ay ni Martin pala, saka mo malalaman kung dapat ka pang bumalik sa diyserto ulit, ay si Martin pala… Sa takbo ng kwento, paulit-ulit lang mga nangyayari, baka mas maging makabuluhan kung magbabalik si Sir Q, ay si Sir M pala.

  23. […] batanglate. thysecretgarden. salbehe. machongbutiki. zyramae. tuwatula. paulpruel. anakngpiso. mispah. foobarph. pengengbente. tsiremo. row3na. lostpiratekeko. blurosebluguy. duking. arsean. taribong. […]

  24. Chin chin says:

    Ibig sabihin magtuturo ka na ulit, Martin?

    Ganda naman ng maikling kuwento mo…parang true to life.

    May award ako para sa yo, hindi siguro pareho ng Saranggola Blog Awards o PEBA pero palagay ko, you truly deserve this…Versatile Blogger Award.

  25. Ka Loren says:

    good luck po…ikampaniyako po to sa karitonko…go for gold sabi nga nila…

  26. Maligayang pagbati po! Umaasa po ako na maghahatid sa inyo ng tuwa ang aking pag-kabit (link) ng inyong sapot-lugar (web site), kasama ang lahat ng kasali sa Saranggola Dos, sa aking 2Rivers na kung saan lahat kayo ay malugod na inaanyayahan. Maaari din po ninyong ikabit ang inyong sapot-lugar sa MukhaLibro Pader (Facebook Wall) ng inyong likod. Tara, tena! Sumasainyo ang Pwersa at mabuhay ang panitikang Pilipino! Lubos na gumagalang, Jonathan Aquino

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s