Week Before The Infinite Slumber

Posted: Setyembre 5, 2010 in Personal
Mga kataga,

Binalikan ko ang Friendster Account ng aking kapatid sa kadahilanang gusto kong balikan ang huling linggo niya dito sa mundong ibabaw.

28 August  2009 Friday (07 Ramadan 1430)

Boy kumusta kayo diyan? Ako, mabuti naman ako dito, kumusta ang trabaho mo? Mag-ingat kayong parati diyan, e-mail mo ako kapag nakapag-online ka ngayong Sabado o Linggo, God bless.

24 August  2009 Monday (03 Ramadan 1430)

Boy kumusta kayo diyan? Ano ng balita diyan? Mag-ingat kayong parati diyan, ayos lang ako dito. Boy, e-mail mo ako kapag may time ka. God bless

30 August 2009 Sunday (Church Day) Mighty Warriors Christian Fellowship

  

Ang Tindahan at Tambayan (Dito kami madalas tumambay pagkatapos ng Youth Sunday School)

  

Jenra Mall – Angeles City (Dito  madalas magkayayaan na kumain, magkantahan at maglaro pagkatapos ng church service)

     

Liberty Christian Fellowship Church Anniversary (C2Ones Porac Youth Organization)

Ang linggong iyon ang huling pananambahan niya. Marahil ito rin ang nagsilbing pamamaalam niya sa mga kabataang nakasama niyang umawit, magpuri at maglingkod sa Diyos.

Siguro, pinili kong saktan ang aking sarili sa mga nakalipas na araw dahil na rin sa hindi ko nagawang makauwi noong pumanaw siya. Hinayaan ko ito dahil alam ko, kailanman, hindi ko na siya muling makikita pa dito sa lupa. Kabaligtaran ng huling linggo niya sa mundong ibabaw na may ngiti sa kanyang mga labi.

Ngayon, alam ko na ang tugon niya sa aking mga comments at e-mails. Ito’y ang nais niyang maalala ko/namin siya kung ano ang mga nangyari noong huling linggo bago siya matulog ng mahimbing.

 

Advertisements
Mga Puna
  1. kayedee ay nagsasabing:

    halatang miss na miss mo xa kuya! =(

  2. kayedee ay nagsasabing:

    base pala ako! ehehe!

  3. kayedee ay nagsasabing:

    ayyy gnun b?! pero ang ganda ng bonding nyo pramis! =)
    parang tayo lang ang buhay d2 sa blogospher ngyun ah! ahahah!

    • Pong ay nagsasabing:

      nakakamiss nga yun eh
      pero lahat nagbabago
      halos mga kasabayan ko sa youth at mga tinuturuan ko ngayon mga professionals na lahat.

      oo naman ang bonding natin dito sa blog world ay matindi ba sa covalent at ionic bonds. hehehehe

  4. kayedee ay nagsasabing:

    waw! nice nman!!!

    anong covalent? ahaha!

  5. kayedee ay nagsasabing:

    aysus!!! lolz!!
    baka sa 2012 pa or hindi na! ahhahah!
    depende kung my uuwian ako! ayieeee!
    pero sana meron pa dat tym! ehiihih

  6. lipadlaya ay nagsasabing:

    musta, pong… am sure he has his purpose done. lalo pa naging maalab naman palang anak ng Diyos si utol mo…

    one year na rin pala… basta keep on serving Him. Alam kong ganun din ang gusto niya…

    • Pong ay nagsasabing:

      ok naman po sir lipadlaya., oo nga po sabi ko nga sa pamilya ko at mga kabataang kasama namin tapos na ang kontrata niya sa lupa. dahil hindi nga po ako nakauwi nagsend nalang po ako ng message na binasa nila sa lamay at maging sa tribute na ginawa nila.

      salamat po sir, I will!

  7. katrina ay nagsasabing:

    namimiss mo talaga siya noh? 🙂 halatang mabuting tao ang kapatid mo kuya. 🙂
    magandang araw sa’yo. 🙂

    • Pong ay nagsasabing:

      oo naman kat, namimiss ko na yung kantahan namin
      at ang aking attempt-to-sing moves
      at attempt-to-play-guitar
      at tatawa sila kasi mahirap daw akong turuan kaya madalas talaga sa teaching side ako nalilinya sa mga youth.

      be blessed kat!

  8. Vajarl ay nagsasabing:

    Ang friendster talaga andaming ala ala. Teka ma delete na nga ang friendster account ko. Hahaha.

    Eto nanaman ako walang masabe kaya gumaganun. Haha.

    • Pong ay nagsasabing:

      ahaahah kawawang friendster naman
      kung walang friendster hindi papatok ang FB ahahahah

      ayus lang yun kuya vaj, be blessed

      nakita mo na ba si ate salbe at mam kuhrach?
      may tumugon na ba sa panawagan natin?

  9. J. Kulisap ay nagsasabing:

    Pong, yong picture ni Samboy..akala ko ikaw nong una akong napadpad dito, hindi pala. Dambuhala pala yong si Pong.

  10. super balentong ay nagsasabing:

    macheck nga ang fs ko at baka may makita akong interesanteng tulad n’yan. ga alaalang lumipas, mga larawang kupas.

    • Pong ay nagsasabing:

      sige sir balentong i-check mo tapos ipost mo sa blog mo yung mga interesanteng mga larawang kupas, sigurado madaming kwento ang nasa likod ng mga larawang yan

      be blessed sir!

  11. Jag ay nagsasabing:

    I know he’s with HIM now.

    Mahirap talaga ‘pag nasa ibang bansa noh? sighs!

    Ingat and God bless!

  12. lio loco ay nagsasabing:

    all shall be well!

    brohug parekoi!

    • Pong ay nagsasabing:

      salamat sir lio.
      all will be well, nanaginip nga ako kagabi eh
      ang totoo nito para akong naglalamay ulit one week na akong hindi makatulog at madaling araw pa nagigising.

      pero ok na naman lahat, ang panaginip ko kagabi ang nagsabing ok na siya sa kinalalagyan niya.

      salamat parekoi!

  13. jason ay nagsasabing:

    hala pong… bat mo pinakialamanan. joke.

    heheeh sarap sariwain ng mga nakaraa ano? at naging daan ang friendster para maimbak ang mga alalaalang yan..

    ang sasaya nila sa pics oh!

    • Pong ay nagsasabing:

      ahaahah matagal ng nakasave yung mga pics na yun sa pc dito sa opis nung mamatay pa siya, yung message ko lamang ang kinopya ko dun sa page niya at hinalungkat yung ibang pics eheheheh

      tama ka nanaginip ako kagabi at maganda naman ang panaginip ko
      kaya ok na lahat siguro, makakatulog na ako ng maayos.

      yehey!

  14. WP ay nagsasabing:

    Ayy parang ayoko ng ulitin yung sinabi ko dati Pong ahahaha. Take care and God Bless!

  15. myfilthyroom ay nagsasabing:

    Everything happens for a reason boss Pong. May purpose kung bakit ngyayari yung isang bagay.. (wow lalim)

  16. Sphere ay nagsasabing:

    parang sumakit yung bandang kanan ng puso ko 😦

    Oist! POngkie mas gwapings sya kesa sayo ahahaha wala lng para lng maging light masyadong mabigat ang post na to eh!

  17. WP ay nagsasabing:

    Sobra naman kayo Anne at Kuli. Pero oo nga napansin ko rin mas may dating si Samboy kay Pong. Pero sa bait hindi ako sure kung may lalamang pa kay Pongkie.

  18. bertcontrol ay nagsasabing:

    Nakakakmiss nga naman….lalo na ang pagbisita ko dito..hehe. Ingat lagi!

  19. […] ***Originally posted here*** […]

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s